Eagles, Tams nakabuena-mano

MAAGANG nakilatisan ang porma ng 4-top collegiate team na hinuhulaang mag-aagawan sa titulo sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Senior Basketball season 74 sa panimula ng bakbakan kahapon, Linggo, sa Big Dome.

Tinalo ng 4-peat seeking Ateneo ang Adamson, 55-51, habang sinuwag ng 2010 runner up Far Eastern University ang De La Salle University, 74-65. Nagtampok ang top players ni coach Norman Black na si Skipper Kirklong at ang kanyang prized recruit na si Greg Slaughter sa pagtatala ng 10 at 23 puntos ayon sa pagkakasunod na dinagdagan nina veteran Nico Salba at Eman Monfort na bumuslo ng 8 at 6.

Nagpakita ng sariling gilas at banta sa defending champions Ble Eagles ang FEU Tamaraws sa pagsuwag sa De La Salle Green Archers sa pangunguna nina 2010 season Most Valuable Player RR Garcia na bumanat 21, ang beteranong si Aldrech Ramos at JR Cawaling na pumuntos ng 16 attempt.

Magbabalik ang laro sa Huwebes sa Bid Dome sa banggan ng National University Bulldogs at ng UST Growling Tigres na susundan ng tunggalian ng University of the Philippines Fighting Maroons laban sa University of the East Red Warriors.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply