Ebdane nasa likod ng pagkakasibak sa PNP whistleblower?

TUMANGGING kumpirmahin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang dahilan ng pagkakasibak kay Senior Supt. Rafael Santiago bilang provincial director ng Zambales.

Ayaw din sabihin ng PNP hierarchy  kung may kinalaman si Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr. sa pagkakasibak kay Santiago kaugnay sa pagkakadawit ng gobernador at dating PNP chief sa isyu ng dayaan sa halalan.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt Agrimero Cruz Jr., ang kautusan lamang ni PNP chief Gen. Raul Bacalzo na pagsibak sa nasabing opisyal ang maaari nilang kumpirmahin.

Kaugnay nito ay nanawagan ang PNP sa iba pang mga pulis na sangkot at may alam sa umano’y anomalya sa halalan noong 2004 na lumutang na lamang at ilabas ang iba pang ebidensiyang hawak ng mga ito.

Pahayag ni  Cruz, tungkulin ng isang public servant ang pagsiwalat ng anumang irigularidad at ang pag-imbestiga rito.

Sa ngayon ay naghihintay pa rin ang pulisya sa koordinasyon ng Department of Justice (DoJ) at Commission on Elections (Comelec ) panel hinggil sa seguridad ng mga lumutang na pulis na  nakatatanggap na umano ng mga banta sa kanilang buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply