Ebidensiya ni Lacson sa lumang helicopter ilalantad na

ILALANTAD na ni Senador Panfilo Lacson ang mga ebidensiyang magpapatunay na luma ang biniling helicopter ng Philippines National Police (PNP) noong 2009 sa isasagawang pagdinig ng Senado.

Ayon sa senador, patutunayan umano niya na segunda mano ang Robinson R44 Raven Helicopters na binili ng PNP ng nasabing taon.

Sinabi ni Lacson, hawak niya ang mga ebidensiya na magpapatunay nito at hindi niya maisip kung paano maipapaliwanag at malulusutan ng dating administrasyong Arroyo.

Giit ng senador, dalawa sa nasabing helicopter at lumapag na sa eksklusibong helipad sa Malakanyang para sa pangulo noong 2004.

Dagdag pa ni Lacson, hawak na umano niya ang logbook ng area 3 helipad sa loob ng Malakanyang ang area three helipad umano ay ekskusibong binababaan ng presidential chopper o chopper na lulan ang president.

Ayon sa senador, tumutugma umano sa nasabing logbook ang dalawang helicopter flight entries na kailangang ipaliwanag ng mga Arroyo sa itatakdang pagdinig ng Senado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply