Echiverri sinuspinde na ng Ombudsman

SINUSPINDE na ng anim na buwan ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro si Caloocan Mayor Recom Echiverri dahil sa hindi pagre-remit ng mahigit P38M kontribusyon ng mga Caloocan City employees sa GSIS.

Nag-ugat ang suspensyon sa reklamong isinumite ni Caloocan Vice-Mayor Edgar R. Erice.

Ani Erice, mula July 1997 hanggang December 2002 at mula January 2007 hanggang December 31,

2010, ang premium contributions kung saan kasama ang personal shares ng mga empleyado ng Caloocan  City Hall at ang Caloocan government shares ay hindi isinumite sa GSIS.

Nanatili umano itong hindi bayad hanggang 31 December 2010.

Idinagdag pa ang employees’ compensation shares mula July 1997 hanggang December 2004 at mula January 2007 hanggang December 2010 ay hindi rin nai-remit sa GSIS.

Kinumpirma ito ni Robert G. Vergara, Presidente at General Manager ng GSIS.

Batay sa GSIS records, ang kabuuang obligasyon ng Caloocan City noong  31 December 2010 ay umabot sa P343,814,739.85 kasama na ang  principal at interes ng mga hindi nabayarang

compulsory premiums.

Sa report, kahit pinaalalahanan na si Echiverri at sina City Treasurer Evelina M. Garma at City Budget Officer Jesusa Garcia na bayaran ang GSIS obligations ay hindi pa rin sila umaksyon dito.

Dahil dito, si Erice mismo ang pormal na humingi kina Echiverri, Garma at City Accountant Edna Centeno na i-remit ang personal shares ng mga empleyado na nagkakahalaga ng P38,042,916.12, dahil nabawas na umano ito sa kanilang mga sweldo.

Kinunsidera naman ni Casimiro na sina Echiverri, Garma, Garcia at Centeno ay mga matataas na opisyal ng local government of Caloocan, kaya dapat umano silang suspindihin upang hindi makaapekto sa kanilang imbestigasyon.

Agad namang ipinatupad ni Interior and Local Government Sec. Jessie Robredo ang suspensyon ni Echiverri.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply