Echiverri iaapela ang pagkakasuspinde

TAHASANG ipinahayag ngayon ng suspendidong meyor ng Caloocan na si Recom Echiverri na ipaglalaban at iaapela niya ang anim na buwang suspensyon na ipinataw sa kanya ng Ombudsman.

Ang pagkakasuspinde kay Echiverri ay may kaugnayan sa kabiguan nitong mag-remit ng P38 million na Government Service Insurance System (GSIS) contribution ng mga empleyado ng Caloocan City Government.

Iginiit ni Echiverri na handa niyang labanan ang kautusan ng Ombudsman dahil halos lahat ng utang ay nabayaran na nila.

Ayon pa dito ay P5 million na lamang ang kanilang hindi nababayaran dahil may ginagawa pang pagtutugma sa rekord.

Ipinaliwanag ni Echiverri na ang GSIS ang may problema at hindi ang kanyang local government.

Inereklamo rin ni Echiverri ang mabilasang pag-aksyon ng Ombudsman laban sa kanya ng wala man lang hinihinging kahit anong paliwanag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply