Echiverri may kasong kriminal dahil sa pay parking

KASONG kriminal ang kakaharapin ni Caloocan City Mayor Enrico R. Echiverri sa Sandiganbayan dahil sa umano’y pag-aresto sa mga parking attendants ng Jadewell Parking Systems Corporation.

Sa reklamong isinampa sa Office of the Ombudsman, inakusahan ng Jadewell si Echiverri na noong Hulyo 2004, sinuspinde  niya ang on-street pay parking system sa Caloocan City na pinamamahalaan at pinatatakbo ng complainant.

Ang parking system ay may kasunduan sa pagitan ng Caloocan City at Jadewell sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement na pinirmahan noong Enero 2005.

Ayon sa Jadewell, noong Hulyo 22, 2004, personal na pinatigil ni Echiverri ang tatlong Jadewell parking attendants sa kanilang operasyon ng pay parking system.

Inaresto umano sila ng walang warrant at kinumpiska pa ang kanilang motorsiklo at iba pang kagamitan at sapilitan pa umano silang dinala sa Mayor’s Office.

Bukod dito, ipinadiyaryo pa umano ni Echiverri ang pag-aresto sa kanila.

Ayon kay Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro, may probable cause para kasuhan si Echiverri dahil sa kanyang ginawa. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply