SB: Ecleo tatanggalin sa Kamara kapag ‘guilty’

WALANG indikasyon na kusang magbibitiw sa puwesto si Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo, Jr.

Ito ang sinabi ni Speaker Feliciano “SB” Belmonte, nagdagdag na mapipilitan ang Kamara na tanggalin ang pangalan ni Ecleo sa listahan ng mga kongresista sa sandaling may pinal na desisyon na ang Korte Suprema.

Tatlong kaso ang nakabinbin ngayon sa Supreme Court (SC) laban kay Ecleo.

“Hindi pa tinatanggal ang pangalan niya, but as you know there were three cases filed against Ecleo. What we will do is simply drop him from the roll without any hullabaloo,” ani Belmonte.

Nauna rito ay tinanggal din ang pangalan ni dating  Ilocos Sur Rep. Ronald Singson sa listahan ng Kamara matapos itong kusang magbitiw nang mahatulan sa kaso kaugnay ng pagdadala ng iligal na droga sa Hongkong.

Subalit nilinaw ni Belmonte na kakaiba ang kaso ni Ecleo dahil hindi ito nagbibitiw at walang indikasyon na ito ay kusang aalis sa puwesto.

Noong Oktubre 13, 2006 ay hinatulan ng Sandiganbayan First Division si Ecleo ng mula 18 hanggang 31 taong pagkabilanggo dahil sa anomalya sa paggugol ng pondo sa tatlong construction project na ginawa nang ito ay alkalde pa ng San Jose, Dinagat, Surigao del Norte mula 1991 hanggang 1994.

Si Ecleo, na anak ni dating Surigao del Norte Rep. Glenda Ecleo, ay ang kinikilalang “supreme master” ng Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA), isang relihiyosong grupo. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply