Economic policy ipinabubusisi kay PNoy

DAPAT na busisiin ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino III ang economic policy ng bansa.

Ito ang panawagan ni Senate President Juan Ponce Enrile dahil sa lumalabas na mabagal ang pagpasok ng mga banyagang mamumuhunan.

Naniniwala si Enrile na dapat maging prayoridad ito ng pamahalaan sa kanyang legislative agenda lalo na sa State of the Nation Address (SONA) bukas.

“As you know, Speaker Sonny Belmonte and I are both thinking of pushing for changes in the economic provisions of the Constitution precisely to address these concerns.  But it will be certainly better if the President exercises his leadership in this important issue that is crucial to the future of this country,”  aniEnrile.

Nauna nang nanawagan ang Joint Foreign Chambers of Commerce (JFCC)  sa pamahalaan na rebisahin ang umiiral na limitasyon ng pag-aari ng mga banyagang kumpanya sa kasalukuyang  40% ng total equity lalo na sa industriya ng public utilities.

Ayon pa sa JFCC, ganito rin ang nangyayari sa mining sector kung saan may mga pagkakaiba ang polisiya ng national at local government.

Ayon sa senador, noong dekada 60, pumapangalawa ang bansa sa Japan sa larangan ng ekonomoya, pero ngayon napag-iwanan na ito ng mga kalapit-bansa lalo na ang Vietnam na sinalanta ng giyera noong dekada 50 hanggang 70.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply