Edgar Allan Guzman ka-live-in na si Jolan Veluz super deny pa rin!

ANNIVERSARY nina Edgar Allan Guzman at Jolan Veluz noong Biyernes (July 8) at malamang na nakapag-celebrate sila sa kanilang three-year relationship dahil magkasama pa rin ang dalawa – kahit pagkatapos ng napabalitang suguran sa NAIA dahil sa dancer na si Milagring na unang napabalita sa isang entertainment site. Nang huli namin nakausap si Edgar, sinabi nito na inaayos niya ang naging problema nila ni Jolan.

Pero aware kaya si Edgar sa tsismis na kumakalat na live in na raw sila ni Jolan sa isang condo unit sa Cainta. Ang mga kapitbahay daw mismo nila ang nagtsitsismis na nagsasama na raw ang dalawa sa isang unit sa 5th floor ng isang building sa St. Joseph. Nabasa na namin ito sa isang entertainment site noon na magka-live-in ang dalawa pero di lang namin ito pinansin that time.

Alam kaya ni Noel Ferrer, ang manager ni Edgar, ang tungkol sa tsikang nagli-live in ang indie prince at ang girlfriend nitong dancer na miyembro ng Sexbomb?

Sayang si Edgar kung dahil sa pag-ibig, madidiskaril ang career. At mukhang kailangan niyang ayusin ang estado ng kanyang lovelife na ang tingin ng mga showbiz observers ay hindi nakakatulong sa kanyang umaangat na career. Nang mag-away nga sina Jolan at Milagring dahil kay Edgar, may narinig kaming comment na away lang daw iyon ng mga starlet.

Sinubukan namin kontakin si Edgar para kunin ang kanyang panig tungkol sa issue na nagli-live in na sila diumano ni Jolan pero di niya sinasagot ang aming tawag at text messages. Kaya kinontak namin ang kanyang manager na natagalan naman sumagot dahil out of town pala ito that time.

Heto ang sagot ni Noel thru a text message: “Hindi ko alam ang ganyang arrangement nina Edgar at Jolan. At kung magkaganun man, alam nilang hindi iyon makakabuti sa kanilang dalawa, lalo pa’t  kung wala pa naman silang balak na magkapamilya. Hihintayin ko kung sabihin nila ang katotohanan kapag nakausap ko si Edgar pagdating ko ng Maynila.”

Nalaman din naman thru Noel na nagpalit ng cell phone number si Edgar. Ito ang sabi sa kanya ng assistant niyang si Ace kaya maging sila ay hindi makontak ang indie prince.

May presscon ang “The Sisters,” isa sa bagong shows sa TV 5 kung saan kasali si Edgar sa cast. Kapag dumalo siya sa presscon, tiyak na itatanong namin sa kanya ang live-in issue na ito nila ni Jolan para sagutin niya. Sana nga lang ay dumating siya.

May two movies siya sa Cinemalaya. Kasama siya sa “Bisperas” sa direction ni Jeff Jeturian at July 17, 3 p.m., ang gala sa Cultural Center of the Philippines.

Dahil dito, si Edgar na nga ang tinaguriang bagong Indie Prince na may ilalabas na recording album na koleksyon ng mga kantang inspired ng kanyang dalawang Cinemalaya entries entitled Edgar Allan Breakthrough. Pero malamang madiskaril ang kanyang career kung di niya aayusin ang kanyang lovelife. Sayang naman ang mga break na dumarating sa kanya kung magpapakasira siya dahil sa lovelife.

***

INAMIN ni Jericho Rosales na nagdalawang isip muna siya bago niya tinanggap ang offer ng ABS-CBN para maging isa sa mga hosts ng bagong reality show na “I Dare You” na nagsimulang ipalabas noong Lunes bago ang Mula sa Puso.

Dahil hindi glamour ang dating ng I Dare You kaya nag-isip si Echo kung kaya niya ito. Very ordinary rin ang itsura niya sa show – naka-t shirt lang, nakasuot ng sumbrero tapos patakbo-takbo habang sinusubukang kumbinsihin ang ibang artista to do the challenge for the benefit of a less fortunate Kapamilya.

“I will the dare the artista na gumawa ng isang bagay na never pa niya nagawa sa buong buhay niya. May kakaibang character ang show kaya nagustuhan ko ito kaya I accepted it,” wika pa ng actor.

“Ito ang reality show na nakikita ng mga tao. It’s my kind of reality show na kakaiba kasi magiging instrumento ito sa pagbabago ng buhay ng mga tao. May adventure at may meaning ang I Dare You. May laman at may puso.”

Ibinalita rin Echo na magkakaroon siya ng solo concert this year. Hindi pa sure kung anong venue, pero definitely not at the Araneta Coliseum dahil alam niyang di naman niya ito kayang punuin.

***

AYAW na magsalita ni John Lapus tungkol sa away nina Heart Evangelista at Marian Rivera na nangyari sa set ng “Temptation Island.” Katwiran ni Sweet, wala na siya sa set nang mangyari ito. At maging sa airport ay hindi rin siya saksi sa engkwentro between the mother of Heart and Marian.

Nauna raw kasi siyang umalis ng Laoag (he left on a Saturday, while the rest left on a Sunday) kaya clueless siya kung ano ang naganap sa airport. Kaya naman nang kinukulit siya ng press na magsalita about the rift sa pagitan nina Heart at Marian ay wala siyang masabi.

Anyway, winika ni Sweet na mas mabuti kung magkakaayos sina Marian at Heart, at nang tanungin kung kanino siya kampi sa dalawa, ayaw mamili ng comedian-tv host. Pareho naman daw niyang friends ang dalawa.

Happy si Sweet na kumikita ang pelikula and he’s looking forward in doing his launching movie para sa Viva Films. Wala rin kiyeme niyang sinabi na gusto niyang manalo ng best supporting actor award para sa Temptation Island.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply