Electoral sabotage isasampa vs GMA

HINDI pa man humuhupa ang daluyong ng mga kasong plunder na sunod-sunod na inihain sa Office of the Ombudsman laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, panibagong kaso naman ang naghihintay sa kongresista ng Pampanga kaugnay sa dayaan sa halalan noong 2004 at 2007.

Inihain ni Sen. Panfilo Lacson ngayon, Martes, ang Senate Resolution No. 537 na nag-aatas sa Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan at idikdik kung sinuman ang sangkot sa malawakang dayaan sa mga nabanggit na eleksyon.

Sinabi ni Lacson na layunin ng imbestigasyon na makabuo ng isang panukalang batas upang tuluyan nang maiwasang mangyari muli ang naganap na dayaan sa mga susunod na halalan.

“Election fraud and electoral sabotage of this magnitude and scale cannot be committed without public officers committing malfeasance, misfeasance and non-feasance in their respective officers. All public officers as well as private individuals conspiring and confederating this massive fraud should be held accountable to the sovereign Filipino people,” ayon kay Lacson.

Aniya, binuhay ang isyu ng “Hello Garci” scandal ng rebelasyon ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan, na nagsangkot si Arroyo sa malawakang dayaan noong 2004 presidential election.

Nananatiling hindi nareresolbahan ang Hello Garci wiretap scandal noong ika-13 at ika-14 Kongreso.

Kapwa ibinulgar nina Ampatuan at dating ARMM election officer Lintang Bedol na inatasan sila ng administrasyong Arroyo na manipulahin ang resulta ng halalan upang maging zero ang bilang ng boto nina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, na noo’y tumatakbo para sa Senado, Sen. Alan Peter Cayetano at Lacson.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply