Empleyado nawawala: tindahan sa Caloocan nasunog

ISANG empleado ang nawawala makaraang masunog ang isang tindahan sa lungsod ng Caloocan na umabot sa ikatlong alarma umaga ng Hulyo 27.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasunog bandang 6:00am ang tindahan sa Phase 3 Kanlaon, Bagong Silang, naturang lungsod kung saan pinaghahanap pa ang isang empleado nito na natutulog sa loob.

Naapula ang naturang sunog bandang 7:30am.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply