Empleyada ‘di inimik ng mister, nagbigti

DAHIL sa ‘di umano pag-imik ng mister, isang batam-batang empleyada ng Department of Energy (DOE) ang nagbigti gamit ang kumot sa Quezon City.

Idineklerang dead on arrival sa Veteran’s Medical Center (VMC) sanhi ng kawalan ng hangin sa baga o asphyxia ang biktimang si Marizle Bernardo, 25, administration assistant secretary ng DOE at residente ng Forestry St., Sitio Mabilog, Barangay Culiat.

Sa ulat ni P03 Jimmy Jimena, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natuklasan ang insidente ganap na alas-onse ng Linggo ng gabi sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Bago ito, nabatid na noong Sabado ay nagtalo at nagkatampuhan umano ang biktima at ang mister nito na si Alvin, 27, dahil lamang sa kung sino ang susundo sa kanilang anak sa eskuwelahan.

Simula noon, hindi na nag-imikan ang mag-asawa na ikinasama naman ng loob ni Marizle hanggang kahapon (Hulyo 10) ay iniwan ni Alvin at ng kanyang anak ang kanyang asawang nag-iisa lamang sa kanilang bahay.

Lingid kay Alvin, dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa misis ay lalong sumama ang loob ni Marizle at laking gulat niya pag-uwi ay natagpuan niyang nakabitin ang misis sa kanilang hagdanan gamit ang kumot na ipinalupot sa kanyang leeg.

Wala namang iniwang suicide note si Marizle kaya hindi pa ibinabasura ng CIDU ang posibilidad na may foul play sa naturang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply