Empleyada ng waterfront hotel pinatay ng dyowa

PATAY ang empleyada ng Cebu Waterfront Hotel matapos saksakin at tinangka pang sunugin ng kanyang kasintahan sa loob ng isang motel sa Pasig City.

Kinilala ni Pasig City chief of Police P/Sr. Supt. Jessie Cardona ang biktima na si Regine Fernandez, 20, kawani ng Cebu waterfront Hotel, at residente ng Labangan, Cebu City.

Arestado naman ang papatakas na suspek na si Raymund Camarsi, 46, ng Brgy. Pansol, Quezon City.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-2:00 ng hapon sa Country Lodge Hotel sa Brgy. Oranbo, Pasig City.

Ayon kay Supt. Cardona, nagulat na lamang ang mga kawani ng hotel nang makita ang nagmamadaling suspek sakay ng kanyang kotse at papaalis na habang ang pinanggalingan nito ay mayroong lumalabas na makapal na usok.

Nagkataon namang hindi umandar ang sasakyan ng suspek kung kaya napigilan siya ng mga kawani ng hotel.

“Napansin namin nang ibinababa na ang bangkay na mayroon itong tatlong saksak sa katawan, Siguro niloob na rin ng nasa taas, na hindi umandar ang kanyang sasakyan para hindi niya matakasan ang krimen” ani Sr. Supt Cardona.

Ang suspek ay nakaditine na sa Pasig Police lock up jail habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply