Empleyadong tumatanggap ng lagay binalaan ng DENR

NAGBABALA si Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje laban sa mga opisyal at empleyado ng ahensya na tumatanggap ng lagay mula sa aplikante kapalit ng mabilis na pagproseso ng kanilang mga titulo ng lupa.

Inisyu ni Paje ang babala sa kabila ng mga ulat na ilang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa field office ay pinagsususpetsahang gumagawa ng mga iligal na transaksiyon.

Ayon sa kalihim ang konsepto ng pag-asiste kapalit ang salapi ay isang paglabag sa ethical standards ng ahensya, kayat nagbabala siya sa mga empleyadong mahuhuli na may kalalagyan ang mga ito.

Nagbabala rin si Paje sa publiko na huwag maging biktima ng mga sindikato sa lupa na nag-iisyu ng mga pekeng titulo sa lupa at nagpa-alala na maging mapanuri at mapag-matyag  at beripikahin ang mga transaksyon sa lupa na kanilang ginagawa.

Kamakailan, isang Mr. Gaco ang nagreklamo sa ahensya dahil natuklasan umano nito na ang kanyang lupa na nasakop ng C5 extension project ni Sen. Manny Villar ay marami ang umaangkin kabilang ang isang retiradong heneral ng AFP.

Nalilito ngayon ang pamahalaan kung sino ang tunay na may-ari dahil lahat ng umaangkin ay may dalang mga titulo. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply