Encoder di nakayanan ang problema nag-suicide

PATAY ang isang encoder ng Social Security System makaraang magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili nang hindi na makayanan ang bigat na problemang dinala nito Lunes ng gabi sa sariling bahay sa Barangay 171 Bagumbong Caloocan City,

Lawit ang dila at wala ng buhay ng matuklasan ang biktima na nakilalang si Ma. Yolanda y De Eleon, 48, tubong Pangasinan at residente ng Block 10-A, Lot 7, Kingston 1 Brgy. Bagumbong ng nasabing lungsod, ng kanyang ng anak at katulong na nakabitin sa terrace sa ikalawang palapag ng bahay.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Allan P. Budios, ng Station Investigation Division ng Caloocan police, dakong 6:30 ng gabi ng maganap ang pagbibigti sa gamit ang kurtina na ang dulo ay itinali sa konkretong terrace sa ikalawang palapag at saka tumalon.

Nabatid sa anak na si Catrina De Leon at katulong na si Raiza Bagalasa, ang mga unang nakadiskubre sa pagpapatiwakal ng biktima, nang makita nila ang biktima ay agad na humingi sila ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.

Huling nakitang buhay ang biktima bandang tanghali pero sadyang malungkutin at wala ng ganang kumain na halatang may mabigat na problemang dinadala subalit ayaw naman sabihin

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang tunay na dahilan kung bakit nag-suicide biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply