Enzo Pineda 5 buwan nang nanunuyo kay Louise delos Reyes

LIMANG buwan na palang nanunuyo si Enzo Pineda kay Louise delos Reyes pero hindi pa rin niya natatamo ang matamis na “oo” ng dalaga. Pero handa namang maghintay ang bagets sa dalaga dahil sadyang may pagtingin siya rito.

Naniniwala si Enzo sa kasabihang “kapag may tiyaga ay may nilaga.”

Nakausap namin ang binata sa presscon ng ” Time of My Life” at tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari sa kanyang career.

Going back kay Louise, bale di pressure si Enzo sa kanyang panliligaw sa dalaga dahil sa once a week lang silang nagkikita. May kanya-kanyang pinagkaka-abalahan kasi silang dalawa.

Bukod sa Time of My Life, nasa “Party Pilipinas” at “Startalk” ang binatang anak ni Eric Pineda, ang manager ni Manny Pacquiao.

Para kay Enzo maraming magandang pag-uugali si Louise na talagang hinangaaan niya sa dalaga. Hindi niya ito na-feel sa iba pa niyang nakarelasyon noon sa high school at college.

Sobrang maalalahanin si Louise kay Enzo. Laging pinaalalahan siya tungkol sa kanyang health. Pinag-iingat sa kung anu-anong bagay para sa kalusugan. Lagi rin siyang kinakamusta kung saan siya pumunta.

Kaya ganun di si Enzo kay Louise. Pag nasa abroad ang pamilya ng binata, una agad pumapasok sa kanyang isip ang dalaga. Kung ano ang ipasasalubong niya. Tulad nang huling fight ni Manny Pacquio sa Las Vegas, inuwian ni Enzo ng tatlong gamit na pambabae si Louise tulad ng signature bag, shade at shoes.

Ani Enzo: “Tama na sa akin ang pagpapahalaga ni Louise kapag pinupuntahan ko siya sa kanilang bahay o set. Lagi niya akong inaalala. Hindi na ako humingi sa kanya ng material na bagay sa mga bagay din na ibinibigay ko sa kanya.”

Lalabas nga pala si Enzo bilang si Donnie sa Time of My Life. Siya ang best friend ng mayabang na si Mark Herras na bida sa soap. Silang dalawa ang mag-aagawan sa puso ni Kris Bernal.

***

BIG celebration ang ginawang presentation sa 1st anniversary ng “Comedy Bar” na ginawa pa sa Zirkoh Morato na live na-naitaping at ipinalabas kagabi. Malalaking pangalan sa showbiz ang dumating para bumati.

Pero sina Jolina Magdangal, Patrick Garcia, Steven Silva, Sef Cadayona at Julie Ann San Jose ay darating para sumali sa game na SSS (Shakay,Shikip, Shongal) na Masaya at maaaliw ka.

Pero magugulat kayo sa production number nina Eugene Domingo, Allan K at kasama ang vocalist na si Marc Abaya sa opening number pa lang.

Si Fabio Ide naman ay makikipag-talasalitaan sa mga audience, may maintindihan kaya sila? Ang Six Feet Long naman ay magpapakuwela kasama ang live audience.

Ang tiyak na di makalilimutan ay sina Wally at Jose dahil sila ang stand up comedian na panauhin sa special sa first anniversary ng Comedy Bar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply