Erap gustong maipakulong si GMA

“DAPAT lang.” Ito ang tahasang isinagot ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa tanong ni Karen Davila sa isang panayam ngayon, Huwebes, na kung nais ba nitong makulong si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ukol sa mga anomalyang kinasasangkutan nito partikular na ang dayaan noong 2004 presidential elections.

Si Arroyo ay nasasangkot sa kabi-kabilang anomalya tulad ng dayaan noong 2004 at 2007 elections, kontrobersyal na pondo ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO), NBN-ZTE deal at iba.

Samantala, nang tanungin ito ng broadkaster kung may balak ba itong tumakbong alkalde ng Maynila ay sinabi nitong wala pa siyang planong tumakbo para sa nasabing posisyon.

Si dating Pangulong Estrada ay ipinanganak at lumaki sa Tondo, Maynila.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply