Erap: Lumabas na ang may alam sa poll fraud

NANAWAGAN si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa mga taong mayroong nalalaman sa kontrobersiyal na 2004 electoral fraud na lumabas at magbigay ng makatotohanang impormasyon.

“Magbayanihan tayo para sa katotohanan,” ani Estrada.

“It is a known fact that GMA (Pangulong Gloria Macapagal Arroyo) was never a legitimate President,” aniya.

Alam umano ng lahat na ang kalaban ni Arroyo, na isa nang kinatawan sa Kamara de Representantes ng ikalawang distrito ng Pampanga, na si Fernando Poe Jr. ang nanalo sa halalan noong 2004.

“In spite of the P728-million fertilizer fund scam, the Garci scam, the euro generals scam, in spite of using billions of funds from Pagcor (Philippine Amusement and Gaming Corp.) and the PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office); and in spite of using the military, the police and the Comelec, GMA still lost the elections. That is why the GMA camp had to resort to cheating,” anito.

Ayon sa dating Pangulo, dapat nang lumabas ang mga may nalalaman sa “grand conspiracy” ng Arroyo administration.

“Malapit na nating makamit ang katotohanan. Kaya kung nagtatago kayo noon dahil takot kayo sa korap na gobyerno ni Ginang Arroyo, huwag na kayong matakot ngayon dahil ang kasalukuyang administrasyon naman ay para sa katotohanan lamang,” ayon kay Estrada.

Aniya pa, dapat lumabas ang katotohanan para maisulat nang maayos ang kasaysayan ng bansa at mabigyan ng katarungan hindi lamang si Poe kung hindi maging ang sambayanang Filpino.

“Magtulung-tulong na tayo upang maibangon natin ang dangal ng sambayanang Filipino,” dagdag pa ni Estrada.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply