Erap: Magbayanihan tayo para sa katotohanan

NANAWAGAN si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa mga taong mayroong nalalaman sa kontrobersiyal na 2004 electoral fraud na lumabas at magbigay ng makatotohanang impormasyon.

“Magbayanihan tayo para sa katotohanan,” ani Estrada.

“It is a known fact that GMA was never a legitimate president. It is a known fact that FPJ won the 2004 presidential elections in spite of the P728 million fertilizer fund scam, the Garci Generals scam; in spite of using billions of funds from PAGCOR and the PCSO; and in spite of using the military, the police and the Comelec, GMA still lost the elections. That is why the GMA camp had to resort to cheating.”

Ayon sa dating Pangulo, dapat nang lumabas ang mga may nalalaman sa grand conspiracy ng Arroyo administration na sumikil sa katotohanan dahil sa malapit nang lumabas ang katotohanan.

“Malapit na nating makamit ang katotohanan. Kaya kung nagtatago kayo noon dahil takot kayo sa korap na gobyerno ni Ginang Arroyo, huwag na kayong matakot ngayon dahil ang kasalukuyang administrasyon naman ay para sa katotohanan lamang,” ayon sa dating Pangulo.

Ayon pa kay Estrada, dapat na lumabas ang katotohanan para maisulat ng maayos ang kasaysayan ng bansa at mabigyan ng katarungan hindi lamang si FPJ kung hindi maging ang sambayanang Pilpino.

Nanawagan din ang dating Pangulo sa mga posibleng whistle blower, maging ang mga ito ay nasa serbisyo o sibilyan, na lumabas na para sa kapakanan ng bansa na mailabas ang katotohanan.

“Magtulung-tulong na tayo upang maibangon natin ang dangal ng sambayanang Pilipino,” dagdag pa ni Estrada. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply