Eroplano sa Congo bumagsak; 127 patay

KINUMPIRMA ng transport minister ng Congo ang pagkakasawi ng 127 pasahero ng Hewa Bora airline matapos itong bumagsak malapit sa isang paliparan sa bansa kung saan himala namang nakaligtas ang 51 sakay ng Boeing 727.

Napag-alaman na papalapag na ang eroplano sa Kisangani International Airport subalit hindi na ito umabot. Ayon sa isang opisyal ang airline company sinubukan pa umano ng kanilang piloto na umabot sa airport subalit hindi na ito nakaabot dahil sa sama ng panahon.

Kasalukuyang nasa blacklist ng European union ang Hewa Bora airline dahil sa isyu ng seguridad sa kanilang mga eroplano. Matatandaang nakailang ulit na itong nasasangkot sa malalagim na trahedya sa larangan ng transportasyong panghimpapawid.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply