Escort chopper ni PNoy nag-emergency landing sa Aklan

NAG-EMERGENCY landing ang escort chopper ni Pangulong Benigno Aquino III matapos bumisita sa Aklan kaninang umaga.

Dahil sa mechanical trouble kaya napilitan ang Huey helicopter ng Philippine Air Force (PAF) na mag-landing sa Brgy. Napti, Batan, Aklan dakong alas-12:30 ng tanghali habang papunta sana sa susunod na destinasyon ng regional visit ni PNoy sa Capiz.

Ang helicopter ay may sakay na apat na crew kabilang ang piloto at limang pasahero.

Ilan sa mga sakay nito ay kinilalang sina B/Gen. Cesar Ronnie at Lt. Col. Alberto Desoyo, commanding officer ng Philippine Army.

Agad namang inilipat ang mga sakay ng chopper sa isa pang helicopter na tumulong sa kanila.

Matapos ang apat na oras na repair ay muling nakalipad ang nasabing helicopter.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply