Estudyante binoga ng 2 bonnet gang utas

PATAY habang naglalaro ng basketball court ang isang estudyante nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang kalalakihan sa Quezon City.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Reimark Tan, 19, ng Barangay Commonweatlh, nasabing lungsod.

Ikinasa na ang pagtugis upang panagutin sa krimen ang dalawang suspek na nakasuot ng bonnet at baseball caps, sakay ng walang plakang motorsiklo.

Nabatid na naglalaro ang biktima at ilan sa kanyang mga kaibigan sa basketball court sa Mango St., nang dumating ang mga suspe saka nilapitan ang biktima at pinagbabaril.

Matapos ang krimen ay tumakas patungong Fairview ang mga salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply