Eugene Domingo bagong bibiktimahin ng utangerong si Kean Cipriano

MAGKASAMA ngayon sa Indie movie na “Ang Babae Sa Septic Tank” sina Eugene Domingo, na gumaganap na bida, at Kean Cirpriano.

Nang matanong si Kean ng invited press sa recent presscon ng kanilang pelikula with promising young actor JM De Guzman and Cai Cortez kung ano ang kanyang masasabi kay Eugene, masarap raw kasama si Uge dahil marami silang mga natutunang techniques sa pagpapatawa sa naturang sikat na komedyana.

Ganu’n? Hindi kaya one of these days ay biktimahin rin niya ang comedic actress at kanyang uutangan rin ang co-star sa kanilang movie?

Kilalang boyfriend na utangero itong lead vocalist ng bandang Callalily, at ilan sa mga siyota nito na kanyang mga nabiktima ay sina Danita Paner, Arci Muñoz at diumano pati itong si Alex Gonzaga ay nahiraman din daw ng datung ng singer-actor.

Eh, si Vice Ganda? Naka-emote rin kaya sa kanya ng ‘career’ si Kean? Ask natin sa manager ni Vice na si Ogie Diaz.

Wais, gyud!

***

Pamosong businessman na si Edward Cabangon, humble at down to Earth

PAGDATING sa mga nagiging Boss namin ay masuwerte talaga kami ni BFFT at entertainment editor namin dito sa selling like hotcake na Remate na si Pete A. Magmula sa aming good looking and handsome publisher ng tabloid na ito na si Sir Benny Antiporda, at sa publisher ng pinagsusulatan naming Diyaryo ng Bayan na Hataw at presidente namin sa National Press Club na si Sir. Jerry Yap, na hindi lang mabait kundi generous at very understanding pa.

Kaya tuwing dinadaan namin sa joke sa pamamagitan ng blind item na need namin siya, kailanman ay hindi pa kami pinahiya ng Bossing naming ito na guwapo rin at habulin ng chicks.

Anyway, isa pa sa marami naming Boss na talagang hahangaan mo ring tunay dahil kahit rich and famous sa business world ay nananatiling humble and down to earth sa marami ay itong si Sir Edward Cabangon.

Simpleng tao lang si sir Edward. Hindi mo siya kakikitaan ng yabang sa katawan. Imagine, sino ba kami ni Pete na nagtatrabaho lang bilang broadcaster sa kanilang network na pag-aari ng brother niyang super bait rin at Bossing-friend namin sa DWIZ(882 KHZ) Aliw Broadcasting Corporation na si Sir Jaac.

Pero, kung i-accommodate at i-entertainen kami ng bossing naming ito ay talagang mapi-feel at home ka sa kanya dahil pinararamdaman niya lagi sa aming welcome kami sa kanya. Well, hindi lang kami ang nagsasabing mabait at may malaking puso itong si Sir Edward, lalo na ang kanyang mga empleyado na kinabibilangan ng kanyang executive secretary na si Ms. Irma na puring-puri ang kabaitan ng kanyang boss.

Happily married nga pala si Sir Edward at may ilang healthy kids to boot.

***

Doble-dobleng Sugod-Bahay sa Barangay ng Bulaga mas marami ang natulungan

BACK to Back ang pamimigay ng sangkatutak na blessing last Sat. para sa Juan For All, All For Juan Sugod-Bahay sa Barangay na hatid ng bagong Globe Dual Sim. At ang buwenamano sa doble sugod-bahay ay sina Presita Arok ng Block 16 Lot 7 Pikar St., Brgy. Santisima Trinidad Malolos, Bulacan at from Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City na si Ginang Nora Cruz. Si Aling Proseta ay mekanino ang mister at ang pagbuburda lang ang pinagkikitaan. Nakikitira lang ang buong pamilya sa bakanteng bahay sa kanilang lugar at wala silang pambayad ng upa dahil naoperahan siya.

Maliban sa bigay na cash ng Coca-Cola, Lucky Me Nam-Nam, groceries, two sacks of rice plus GC worth P5K from Puregold, pinagbigyan pa si Aling Proseta ng P70,000 Cash ni Bossing Vic Sotto para pandagdag nito sa kanyang puhunan, pambayad sa tuition fee ng kanilang anak at pang-upa ng sarili nilang bahay. Ganito rin ang mga premyong ipinagkaloob kay Aling Nora.

At dahil doble nga ay walong kabayanihan of ‘Da Pipol ang nanalo ng tig 10,000 (each) mula sa dalawang barangay at binigyan rin ang mga ito ng tig-iisang Nokia cell phone dual sim card. Congrats, gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply