‘Euro general,’ asawa sumuko na sa S’bayan

NASA kustodiya na ng Sandiganbayan makaraang kusang-loob na sumuko si dating Philippine National Police (PNP) comptroller Eliseo dela Paz at ang may-bahay nitong si Maria Fe Huwebes ng umaga.

Nagtungo ang mag-asawa sa 5th Division ng Sandiganbayan upang maghain ng “very urgent” joint omnibus motion.

Batay sa ulat, sa halip na madaliin ang pagresolba sa motion, inatasan ng court justices na isailalim ang mag-asawa sa kustodiya ng 5th Division.

Ayon pa sa report, ang abogado ng mag-asawa na si Atty. Noel Malaya ang naghain ng motion para sa kanila para makalabas sa piyansa.

Sa pahayag ni Malaya, nakapaghain na sila sa anti-graft court ng motion para i-recall ang warrant of arrest na ipinalabas kahapon.

Hiling din ni Malaya sa anti-graft court na mabigyan ang kanyang kliyente ng isang pormal na preliminary investigation.

Magugugnitang pinirmahan ni Associate Justice Roland Jurado, chairman ng 5th Division NG anti-graft court, ang warrant of arrest laban sa mag-asawang Dela Paz kahapon ng hapon..

Ang mag-asawang De la Paz ay nahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular No. 507, na nagpapataw ng kaparusahan sa mga taong magdala o maglabas ng bansa ng foreign currency at nabigong ideklara ang salapi na mahigit sa $10,000.

Ipinataw ng Sandiganbayan sa mag-asawa ang halagang P20,000 bawat isa para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Ang mag-asawang De la Paz ay nadakip noong Oktubre 2008 sa Shremetyevo International Airport sa Moscow nang matuklasang may dala ang mga ito ng euros na may katumbas na P6.9 milyon.

Dadalo ang mga ito sa 77th International Police (Interpol) General Assembly na ginanap sa St., Petersburg, Russia kasama ang ilang opisyal ng PNP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply