Evans bagong tour champ

TINANGHAL si Cadel Evans bilang kauna-unahang Australian na nanalo sa Tour de France.

Ang 34-anyos ang pinakamatandang nanalo sa Tour sapul noong World War II, ay nagpakita ng bangis nang sirain ang record ni three-time champion Alberto Contador na kumana ng unbeaten run sa isang grand tour mula noong 2007.

Si Luxembourg’s Andy Schleck naman ay second overall sa tatlong sunod na taon sa oras na 1:34 kabuntot kay Evans. Ito ang pinakaunang korona ni Evans sa tour.

Samantala, third naman si Frank Schleck sa oras na 2:30 kung saan parang nag-usap pa sila ng kanyang kapatid na si Andy.

Sinira naman ni Evans ang pananalasa ng mga Espanyol na sina Contador (2007, 09, 10), Oscar Pereiro (2006) at Carlos Sastre (2008) na lima ang nakuhang korona na sunod-sunod.

Nabigo sina Norway’s Edvald Boasson Hagen at German Andre Greipel na noon ay second at third.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply