Ex-fiscal sa Iloilo minartilyo sa ulo tigok

LIMANG matitinding hataw ng martilyo sa ulo at saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ng isang dating piskalya sa Iloilo, Miyerkules ng gabi, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ng Jaro PNP ang bangkay ni Lawyer Arsenio Villalobos, dating piskalya ng Iloilo Hall of Justice at residente ng Barangay San Pedro, Jaro.

Hinahanting na ang tiyuhin ng biktima na si Ramon Ocampo, dahil bukod sa ito ang sinasabing huling nakitang kasama ni Villalobos ay hindi na rin ito mahagilap matapos ang krimen.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang bangkay ng biktima dakong 7 ng gabi ng Miyerkules, Hulyo 13 sa loob ng kuwarto nito sa Barangay San Pedro.

Bago ito, nabatid na nagtataka ang mga kapitbabay kung bakit nakatiwangwang ang pinto ng bahay ng biktima kaya sinilip nila ang loob.

Nagulat sila nang makita ang dating piskalya na nakahandusay sa sahig at wala nang buhay.

Nakarekober ang pulisya sa crime scene ng isang martilyo at kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima.

Gayunman, hinihintay pa ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory, ang resulta ng awtopsiya na ikinasa sa bangkay ng biktima para malaman ang tunay na dahilan na pagkamatay nito.

Ayaw namang magsalita ang maybahay ni Villalobos hinggil sa pagkamatay ng kanyang mister.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply