Ex-general na may kaso, itinalang bagong BuCor chief

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang kareretiro pa lang na heneral ng militar bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kabila ng kinakaharap nitong kasong plunder.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, pormal nang nanumpa sa kanya si retired Lt. Gen. Gaudencio Pangilinan.

Miyembro si Pangilinan ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1979 at isa ito sa mga respondent sa kasong plunder na isinampa ni dating military finance officer George Rabusa.

Ang huling puwestong hinawakan ni Pangilinan bilang sundalo ay ang pagiging commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command na nakabase sa Tarlac.

Nagretiro si Pangilinan noong nakaraang Hulyo 25 pa lamang, kung kailan ay nagdiwang ito ng kanyang ika-56 na kaarawan, ang mandatory retirement age.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply