Ex-gov idiniin sa pagpatay kay Ortega

HINILING ng pamilya ng pinaslang na brodkaster sa Palawan na si Dr. Gerry Ortega na mabaligtad ang ilan sa mga bahagi ng naunang resolusyon ng Department of Justice na nag-aabswelto sa ilan sa mga suspek sa pagpatay sa nasabing mamamahayag.

Sa 43-pahinang motion for partial reconsideration, partikular na hiniling ni Dr. Patria Ortega, biyuda ni Doc Gerry, na maisama sa mga dapat kasuhan sa korte sina dating Palawan Governor Joel Reyes na siya umanong utak sa pagpatay, gayundin ang iba pang respondent na sina dating Marinduque Gov. Jose Carreon; Coron Palawan Mayor Mario T. Reyes at dating Palawan Administrator Atty. Romeo Seratubias.

Ayon kay Mica Ortega, anak ni Doc Gerry, matibay ang kanilang mga ebidensya para pagbatayan ng probable cause laban sa mga nabanggit na respondent.

Sa naunang resolusyon, apat lamang sa sampung respondent ang pinakakasuhan sa korte ng panel of prosecutors ng DOJ at kabilang doon ang testigo na si Rodolfo Edrad, alyas Bumar, dating close in security ni Reyes na nagsabing ang dating gobernador ang nag-utos para patayin si Doc Gerry, Armando Noel, Dennis Aranas at Arwin Arandia.

Si Doc Gerry ay binaril at napatay noong January 24, 2011 sa Puerto Princesa City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply