Ex-kapitan patay sa riding-in-tandem

DALAWANG anggulo ang binubusisi  ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District sa pananambang ng dalawang salarin na nakasakay ng motorsiklo sa dating punong barangay sa Sta. Cruz, Manila, Lunes ng umaga.

Unang anggulo ay utang, dahil marami umanong utang si Medardo Antazo, ex–chairman sa Brgy. 255 Zone 23 sa ikalawang distrito ng Tondo at residente ng Quiricada St., Tondo.

Samantala, mabilis namang nakatakas ang gunman na tinatayang nasa edad 25 hanggang 30, habang ang driver ng motorsiklo ay naka-helmet.

Pangalawang anggulong binubusisi ng awtoridad ay ang umano’y pambababae ni ng biktima kaya hinalang hired killer ang bumaril at nakapatay sa kanya.

Batay sa ulat ni Det. Gerry Rivera, kay P/Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 8:15 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa panulukan ng Rizal Avenue at Quiricada St., sakop ng Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa ilang nakasaksi sa pamamaril, binabaybay ni Antazo sakay ng motorsiklo kasama ang kanyang misis ang lugar nang sumulpot ang mga suspek at pinaputukan ang biktima bago nagsitakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply