Ex-Pagcor chief may panibagong kaso

MATAPOS kasuhan ng plunder at katiwalian si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) chairman Efraim Genuino at apat na iba pa, nadagdagan pa ang kasong kinakaharap ng mga ito sa Department of Justice dahil sa paggamit ng bahagi ng 300 metriko toneladang bigas na donasyon ng Japan noong 2008 para sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.

Ang donasyong bigas ay nagamit umano sa political ambitions ng dalawang anak nitong tumakbo noong 2010 elections.

Kasama sa mga kinasuhan sina dating Pagcor senior vice president for corporate communications and services, Mai Mai Tado, top executive ng Trace Computer College na pag-aari ng mga Genuinos; Anthony Genuino at Erwin Genuino, mga anak ng dating Pagcor Chief na lumaban sa pagka-alkalde sa Los Baños, Laguna at Makati

“Our investigation and records show that Genuino and four others connived to misappropriate more than P3.1 million worth of public funds and property, from Pagcor by diverting part of the rice donation to bolster the political ambitions of his two sons during the 2010 elections,” ayon kay Pagcor President and chief operating officer Jorge Sarmiento.

Binigyang diin din ni Sarmiento, ang pagsasampa nila ng kaso laban sa mga akusado ay bahagi ng pangako ng bagong pangasiwaan ng Pagcor na maparusahan ang mga nagkasala sa batas sa nagdaang administrayon ng ahensya.

“The P3.1 million questionable transaction in this case may pale in comparison to the P186 million plunder case Pagcor recently filed against Mr. Genuino. Gusto lang naming patunayan sa mga kababayan natin na sa Pagcor ay walang malaki o maliit na halaga pagdating sa paghahanap ng katotohanan at hustisya,” pahayag ni Sarmiento.

Noong Hunyo 2008, nakakuha ng donasyon si Genuino ng 300 metrikong tonelada ng Thai rice mula sa Aruze Corporation, isa sa mga proponent para sa Pagcor’s Entertainment City Project sa Maynila, na laan sana sa mga biktima ng bagyong Frank pero nalustay ang bahagi ng pondo para dito sa pagpasok sa pulitika ng mga anak ng dating Pagcor chief.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply