Ex-PBA player timbog sa ‘call bypass scheme’

ISANG dating Philippine Basketball Association (PBA) player ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos maaktuhang nag-o-operate ng call bypass facility o pagpapatakbo conversion facility ng international calls sa local calls, dahilan upang madaya ng milyong kita ang isang malaking telecommunication sa bansa.

Kinilala ni NBI-Technical Investigation Division (NBI-TID) Head Agent Atty. Palmer Mallari ang suspek na si Rene Alforque, dating manlalaro ng Tanduay Rhum Masters at residente ng Radium St., San Andres Bukid, Maynila.

Nabatid na naghain ng reklamo sa NBI si Globe Telecoms security director Ronal Uy hinggil sa iligal na operasyon ng suspek na natukoy umano sa San Andres District.

Nang isailalim sa inspeksiyon ay natukoy ang call bypass scheme sa lugar dahilan upang hindi pumasok sa kita ng kanilang kumpanya ang bayad sana sa international calls.

Aniya,simula pa noong 2009 ay nagsimula na ang operasyon ni Alforque sa San Andres District.

Ang proseso ng nasabing call bybass scheme ay ang pag-block sa international calls bago pa umabot sa international gateway facilities ng Globe Telecom o iba pang telecoms company.

Ang international calls ay naiko-convert sa local calls gamit ang sim boxes at modems at karaniwang may mga kasabwat ng telephone operators sa ibayong dagat na nagpapatakbo kapalit ang murang call rates.

“In most cases, the owners of illegal exchanges have a tie-up with (telephone) operators overseas. These offshore operators help customers call overseas at very cheap rates,” ani Mallari.

Umaabot naman sa P5 milyon ang nawawala sa Globe nito lamang buwan ng Mayo at Hunyo taong kasalukuyan dahil sa operasyon ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply