Ex-PNP official sa Euro-gen case, misis kinasuhan na

KINASUHAN na ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Philippine National Police (PNP) Director for Comptrollership Eliseo dela Paz kaugnay ng Euro-generals case.

Bukod sa dating PNP official, kinasuhan din ang kanyang maybahay na si Maria Fe Dela Paz.

Sa resolusyon na inaprubahan ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro, nilabag umano ng mag-asawa ang Circular No. 507 ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Alinsunod sa nasabing Circular, sinuman na magpasok o maglabas sa Pilipinas ng pera ng ibang bansa na lalabis sa $10,000 at mabibigo na ideklara sa pamamagitan ng sulat ay dapat na maparusahan batay na rin sa nakasaad sa Section 36 ng Republic Act 7653 (New Central Bank Act).

Nabatid sa isinagawang imbestigasyon na hindi idineklara ng mag-asawang dela Paz ang 105,000 Euro na hawak nila nang lumabas sila ng Pilipinas para dumalo sa 77th INTERPOL General Assembly noong Oktubre 7-11 sa St. Petersburg, Russian Federation.

Kinasuhan din si dela Paz ng paglabag sa Article 237 ng Revised Penal Code dahil sa pagpapahaba sa pagtupad niya sa kanyang tungkulin at kapangyarihan.

Maliban dito, kahit na naabot na niya ang mandatory retirement age, tinanggap pa rin ni Dela Paz ang trabaho bilang Special Disbursing Officer (SDO) ng delegasyon ng PNP alinsunod sa Office Order No. 17-2008 noong Setyembre 30, 2008.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply