Ex-police utas sa bagets na inagawan ng armas

ISANG retiradong pulis ang napatay sa saksak ng nairitang bagets na kanyang kinumpiskahan ng homemade airgun sa Suriagao del norte, sa ulat ng pulisya nitong Martes.

Ayon sa police report na nakarating sa PNP Command Operation Center patay sa multiple stab wound ang biktima na nakilalang si Ret SPO4 Melchor Baron, 61, ng Barangay Jamoyaon, Del Carmen, Surigao del Norte.

Hawak naman ng Del Carmen Municiapl Police station ang suspek na si Jerwin Comillas, 16, out-of-school youth na naninirahan din sa nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, bago ang naturang insidente ay nahuli ng biktima si Comillas na may dalang homemade airgun kung kaya kanyang kinumpiska at isinuko kay Brgy. Kapitan Larry Espuesto.

Lingid sa  kaalaman ng retiradong pulis ay nagtanim ng galit ang bagets at palihim na umuwi ng kanilang bahay habang pinagpaplanuhan ang biktima.

Nang dumaan sa tapat ng kanilang bahay ang dating ngulis ay dito na siya sinaksak ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply