GMA, et al ipakukulong ng bagong Ombudsman

MARAMI ang nanganganib na makulong sa pagkakatalaga ni Pangulong Benigno Aquino III kay retired Supreme Court Associate Justice Conchita Carpio-Morales bilang bagong Ombudsman.

Sa State of the Nation Address (SONA) ni PNoy,  ipinagmalaki nito na sa pagpasok ni Conchita-Morales ay magtutuloy-tuloy na ang paghahabol ng gobyerno sa mga kaso ng katiwalian.

Paniwala rin ng karamihan na si Morales ang gagamitin ng administrasyon para tuluyang mapanagot ang mga opisyal ng gobyerno na gumagawa o sabit sa katiwalian.

Unang pinaniniwalaang tatamaan sa pagkakatalaga ni Morales ay si dating Pangulo, ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Si GMA ang itinuturong utak kasama ang kanyang mister na si Jose Miguel Arroyo sa kontrobersiyal na $329-million national broadband deal o ang ZTE controversy. Pagkakasangkot sa umanoy dayaan sa 2004 at 2007 elections, ang pagwawaldas sa pinag-uusapang nawawalang pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at maging ang overprice na pagbili ng eroplano at rubber boats ng Philippine National Police.

Matatandaang si Carpio-Morales ang nanguna sa inaugural oath noon ng Pangulong Aquino.

Maliban kay Carpio-Morales, kabilang  sa short list noon ng JBC para sa Ombudsman post ay sina dating justice secretary Artemio Tuquero, Justice Usec. Leah Armamento at Presidential Commission on Good Government Commissioner Gerard Mosquera.

Si Carpio-Morales ang papalit sa nagbitiw na si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply