Extension ng pananatili ni Zaldy sa Heart Center oks kay Mangudadatu

WALANG pagtutol si Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu sa pagbibigay pahintulot ni Judge Jocelyn Solis-Reyes na makapag-extend sa ospital si dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan.

Katwiran ni Mangudadatu, walang dapat ikabahala sa naturang desisyon ni Solis at ang mahalaga aniya ay mayroon itong itinakdang oras na pananatili sa ospital ni Ampatuan.

Una rito, pinayagan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 sa sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ang hiling ng kampo nina Ampatuan na makumpleto muna ang kanyang medical tests bago ibalik sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Samantala, pag-aaralan naman ng kampo ni Mangudadatu ang paghaharap ng Contempt of Court laban kay Zaldy hinggil sa pagpapaospital nito.

Sinabi ni Atty. Nena Santos, abogado ni Mangudadatu na mistulang pinaglaruan sila ng depensa sa iskedyul ng pagpapa ospital ni Ampatuan na dapat ay out patient lamang at hindi confinement.

Nilinaw ni Santos na hindi naman sila tutol sa pagdala sa ospital kay Ampatuan ngunit ang nais lamang nila ay ipinaliwanag ang iskedyul upang maalis ang anumang pagdududa.

Napawi na rin ang pangamba ng kampo ni Mangudadatu na bibigyan ng special treatment si dating ARMM governor sa ilalim ng Aquino administration.

Sinabi pa ni Santos , abogado ni Mangudadatu na natutuwa sila dahil mismong ang Malakaniyang na ang naghayag ang tutol sila sa hospital arrest kay Ampatuan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply