Fake presidents

KUNG inaakala ninyo na ang China lang ang may pinakamaraming fake, nagkakamali kayo sapagka’t naglipana rin ang maraming fake sa Pilipinas.

Sinasabi ng iba na fake na presidente ng Pilipinas si Gloria Macapagal Arroyo dahil ang tunay na nanalo sa halalang iyon ay si Fernando Poe Jr.

Kung ganoon, panahon na ba na bigyan si FPJ ng posthumous na pagkilala na ang opisyal na siyang tunay na presidente ng Pilipinas noong 2004-2010?

Panahon na rin para baguhin natin ang listahan ng mga pangulo ng bansa magmula kay Emilio Aguinaldo na self-proclaimed na presidente matapos niyang ipapatay si Andres Bonifacio na presidente noon ng mga Tagalog sa kamay ng isang Macapagal?

Dapat na rin sigurong alisin ang pangalan ni Jose P. Laurel na presidente ng Pilipinas dahil siya ay itinalaga lamang na pangulo ng mga Hapon noong World War II.

Kay rami ring mga fake hero magmula pa kay Rajah Lakandula na kumampi sa mga Kastila nang lupigin nila ang Maynila.

Si Lakandula ay binigyan ng isang probinsiya na kung tawagin ngayon ay Pampanga ng mga Kastila bilang utang na loob sa kanilang pagkapanalo sa digmaan.

Si Lakandula ay nagpalit ng pangalan at naging isang Macapagal, kaya minsan, narinig ko kay Gloria Macapagal Arroyo na siya ay royal blood.

Kay rami ring fake war heroes noong World War II.

At kay rami ring mga fake hero sa kasalukuyan na nakaburol sa Libingan ng mga Bayani, mga hero na nag-kamal ng maraming pera na ninakaw lamang sa kaban ng bayan.

At siyempre, may bintang din ngayon na fake senator si Mike Zubiri dahil sa dayaan sa senatorial election sa Maguindanao.

Saksakan din naman nang dami ang mga gobernador, congressmen, mayor, vice mayor, konsehal at mga baranggay official na nanalo lamang dahil sa dayaan.

Pero ano ang gagawin natin sa mga fake na ito?

Dapat silang lahat ay tanggalin sa posisyon nila at isauli ang pera ng bayan.

Higit sa lahat, silang lahat ay dapat ipakulong dahil sila ang mga tunay na traydor ng ating bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply