Falcons vs Warriors;Bulldogs susubukan ang Green Archers

SISIKAPIN ng Adamson University Falcons na madagit ang pangatlong panalo sa pagharap sa bokya pang University of the East Red Warriors (0-4) habang magkakasubukan ang National University Bulldogs at ang La Salle Green Archers sa double-header game ng UAAP men’s basketball tournament Huwebes ng hapon sa Phil. Sports Arena.

Nagpamalas ang Falcons ng tibay sa huli nilang laro na nagbigay ng tiwala sa sarili ng mga player ni coach Leo Austria kasunod ng pagkakaloob sa University of Santo Tomas Growling Tigers, 81-71, at sa Far Eastern University Tamaraws, 78-59, sa una nilang dalawang panalo.

Nasungkit naman ng Green Archers ni coach Dindo Pumaren ang unang panalo, 79-67, laban sa University of the Philippines Fighting Maroons noong Miyerkules.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply