False alarm ang tsismis na buntis si Jennica Garcia

“TOTOO naman kasi, hinimatay naman ako sa taping ng ‘Captain Barbell.’ Dini-dysmenorrhoea kasi ako noon, tapos at the same time, gastritis, so nagsabay,” paglilinaw niya.

“Tapos madaling-araw na nun, tapos dalawang araw na magkasunod na taping yun, natapos kami nun mga 5:30 ng umaga, call time namin the following day is nine o clock so pagod na rin, ganyan, ayun.”

Dinala ba siya sa hospital?

“Ah, hindi naman. Nag-panic sila, nag-panic sila kasi bumagsak ako sa batuhan so nagsugat ang tuhod ko, ayan, dumugo, tapos nung nahimasmasan na ako, nakahiga na ako sa kama, tapos sabi ko,
Aray, array, yung tiyan ko!”

“Tapos biglang, ‘Aray, pati tuhod ko! Gulat na gulat na lang ako na, ‘Ay ano ba yan? Yan ba ang nangyari?’ Ganun,” ang natatawang kuwento ni Jennica.

Nadawit sa isyu ang boyfriend ni Jennica na si Alwyn Uytingco; na tinawagan agad ni Jennica when the issue came out.

“Tawa siya ng tawa, e! Tawa siya ng tawa tapos… ano ba sabi niya… ‘Ah, deadma na lang! Huwag na lang pansinin yang mga ganyang bagay’,” kuwento ni Jennica sa naging reaksyon ni Alwyn sa isyu.

Isang taon na ang relasyon nina Jennica at Alwyn at open naman sila sa publiko tungkol sa kanilang relasyon.

***

Si Jon Avila  ay inili-link kay Vice Ganda; si Andrew Wolfe naman ay kay Mr. Fu.

“WELL wala akong pakialam kung ano ang iniisip ng iba kasi walang malisya sa friendship namin. In fact ang office ko ay malapit sa… next bulding sa 103.5 (FM radio station ng TV5 na kung saan may programa si Mr. Fu),” bungad ni Andrew.

“Malapit din ang condo ni Fu doon. So talagang… minsan naglalakad si Fu sa Ortigas, ‘Uy, Fu!’ Kasi madadaanan niya yung office namin, nasa Emerald Avenue ako, so hindi maiiwasan na minsan, mag-coffee kami, kuwentuhan, ganun, but walang malisya,” sabi ni Andrew.

“Ang masasabi ko lang sa mga taong nagsasabing ‘Ay sila na!’ ganun, makitid ang utak nila. Kasi hindi foul ang maging friends ang lalaki at bading. Hindi porke magkaibigan ang isang bading at isang lalaki, sila na.”

Paano pag dumating ang time na sabihin ni Fu na may gusto ito sa kanya?

Ano ang magiging reaksyon niya?

“Sorry, bawal ang incest,” tumatawang sagot ni Andrew dahil ‘magkapatid’ nga sila ni Fu sa manager nilang si Noel Ferrer.

“Hindi, as far as that goes, lalaki ako so iyon, lalaki po ako, iyon. Maybe kung naging babae siya at maganda,” at muling natawa si Andrew.

“Kasi yung ugali, kung ugali, si Fu ang bait nun at tsaka matalino si Fu.

“Pero iyon, babae ang gusto ko, e,” deklara pa niya.

Talbog! (Maniwala ako! Puhleezzee! tell that to the Marines! – Ed)

***

BAHALA ng pera habang magniningning ang galing ng mga kababaihan ngayong Sabado (Hulyo 16) sa TV5. Back-to-back-to-back na palabas ang magpapakita ng galing ng Pinay at naglalakihang papremyo simula 5 p.m. sa Kapatid network.

Pagpatak ng ala-singko ng hapon sa “Wil Time Bigtime,” bibida ang husay ng mga Prinsesa ng TV5 na sina Jasmine Curtis-Smith, Ritz Azul at Arci Muńoz sa kanilang opening number sa programa ng bayan. Samantala, ngayong Sabado na kaya muling maiuuwi ang P1 milyon, bahay at lupa mula sa Camella Homes, at bagong van mula sa Foton? Makibahagi sa luha at saya habang nanalo ng big time na mga papremyo kasama sina Willie Revillame at Shalani Soledad ngayong Sabado sa nangununang game variety show tuwing Sabado.

Pagkatapos ng Wil Time Bigtime, makikipag-kulitan ang 100 kontestant sa “R U Kidding Me?” ni Bossing Vic Sotto pagsapit ng alas-siyete ng gabi.  Isa na namang tagisan ng kaalaman at katatawanan ang masasaksihan ngayong Sabado dahil lilituhin ng husto nina Wally Bayola at Jose Manalo ang mga kontestant upang umayon ang mga ito sa kanilang sagot. Makatagal naman kaya ang mga kontestant kina Wally at Jose para sa P100,000 na jackpot prize? Magkakaalaman na ngayong Sabado!

Pakatutukan din sa pinakamalaking talent show ng bayan na “Talentadong Pinoy” ang kapana-panabik na pakikipagtagisan ng talento ng mga kalahok at ang napipintong pagdepensa ni Melbelline sa kanyang ikapitong panalo bilang kampeon.

Muli kayang mapahanga ng 13 gulang na tubong Guiginto, Bulacan ang mga talent scouts sa kanyang naiibang pagkanta ng kundiman? Makakaharap na kaya ni Melbelline ngayong Sabado ang makakaagaw ng titulo sa kanya?

‘Wag din palalampasin ang pagkanta ng dating Talentadong Pinoy challenger na si Michael Renz Cortez sa theme song ng primetime series ng TV5 na “Bangis,” kasabay ng pagbisita ni Wendy
Valdez sa programa ni Ryan Agoncillo. Abangan ang mga naglalakihang kaganapan ngayon Sabado sa Talentadong Pinoy pagkatapos ng R U Kidding Me?

****

ARTISTAHIN ang bumubuo ng 24 official candidates ng Sexiest Man In The City 2  na ang grand finals ay gaganapin sa Metro Bar, West Ave., Quezon City  ngayong Martes July 19,  8:00 p.m.

Handog ito ng Binary Entertainment at Premier Koncepts. Ang magwawagi at tatanghaling Sexiest Man in The City 2011 ay tatanggap ng P100,000, one year membership with Golds Gym, trip to Hong Kong, trophy at sash, habang P40,000 naman plus trophy and sash ang matatanggap ng 1st Runner-Up, at P20,000, sash and trophy para sa 2nd Runner-Up. Special guests sina Gerald
Santos and Paulo Avelino. Host naman si John Lapus. Featuring THE RAGING DIVAS and SNAPS Dancers.

Para sa ibang detalye at pagbili ng tickets tumawag kay Genesis Gallios sa 09158464429,09293161829.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply