FDA: Huwag gumamit ng Oral B mouth rinse

KAHIT boluntaryo nang binabawi ng kumpanyang Procter & Gamble (P&G) sa produkto nitong mouth rinse, pinayuhan pa rin ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko na huwag gamitin ang nasabing produkto.

Sa isang FDA advisory, pinayuhan ng FDA ang publiko na itigil na ang paggamit ng kanilang produktong Oral B Tooth and Gum Care Alcohol Free Mouth Rinse, na gawa sa Retycol, Columbia, matapos matukoy na hindi wasto ang microbial level nito.

Nabatid na kabilang umano sa mga ipinabawi ay ang Oral B Tooth and Gum Care Alcohol Free Mouth Rinse na 500 ml, 350 ml at 60 ml.

“The voluntary recall is a precautionary step after detecting out-of specification microbial levels in some products produced at the said manufacturing site in Columbia,” ayon sa advisory ng FDA.

Nilinaw naman ng nasabing kumpanya na walang panganib na maaaring idulot sa may malusog na resistensya ang nasabing microbial level, ngunit maaaring makasama naman ito sa mga taong may mahinang resistensya at iyong may “cystic fibrosis.”

“All consumers who may have purchased the said products are advised not to use it,” ayon pa sa FDA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply