Fertilizer scam investigation ‘wag gawing telenovela

HINDI dapat maging “political telenovela” ang imbestigasyon kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng Fertilizer fund scam, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Ito ang nais ng KMP, isa sa mga complainant ng kaso ni Arroyo, dahil naniniwala silang hindi dapat magtagal ang pagsisiyasat ng Ombudsman sa pagkakasangkot nito sa maanomalyang proyekto.

Sinabi ni KMP secretary-general Danilo Ramos na walang dahilan para gumugol ng mahabang panahon ang Tanodbayan sa pagtukoy ng responsibilidad ni Arroyo sa anomalyang ito sapagkat malinaw na may sapat na basehan ang reklamo base na rin sa mga imbestigasyon noon.

Pinangangambahan ni Ramos na magkaroon ng pagkakataon ang kampo ni Arroyo na maniobrahin ang proseso ng imbestigasyon sakaling magtagal ang kaso.

Hindi rin umano dapat magamit sa gimmick ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang kasong ito.

Binalaan naman ni Ramos ang Ombudsman laban sa posibilidad na magkaroon ng whitewash sa kaso ni Arroyo dahil kapag nagkataon ay dobleng kawalan ng hustisya na ito sa mga magsasaka.

Ang KMP ay isa sa mga orihinal na nagsampa ng kasong pandarambong laban kay Arroyo.

Kamakalawa, nagpalabas ng press statement si Acting Ombudsman Orlando Casimiro na nag-uutos na iimbestigahan si Arroyo na awtomatikong nagpabaligtad sa naunang kautusan ng Office of the Ombudsman na nagbabasura sa kaso dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply