Fetus inwan sa loob ng taxi

TINATAYANG nasa limang buwang gulang na lalaking fetus na nakakabit pa ang umbilical cord at placenta ang inabandona sa loob ng isang taxi Linggo ng gabi sa Ermita, Maynila.

Nabatid kay PO2 Roderick Pacilan, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 6:30 ng gabi ng madiskubre ng taxi driver na si Evangelio Crayo,48, binata ang naiwang kulay green na plastic bag sa loob mismo ng kanyang minamanehong taxi (TXU 199) na Toyota Vios na may pangalang “Chrenzkri Taxi” na ino-operate naman ni E. de la Cruz ng 39 Sampaguita, Marulas, Valenzuela City.

Ayon kay Pacilan, kasama ng sanggol na nakasilid sa plastic bag ang unbilical cord, placenta, papel at diaper.

Sinabi naman ni Crayo, hindi nito maalala kung sino sa kanyang mga naging pasahero ang nag-iwan sa nasabing plastic bag.

Napansin na lamang niya nang mapalingon sa likurang upuan ng taxi ang plastic bag at dahil sa kuryusidad ay binulatlat niya ito. Kanyang ikinabigla nang makitang duguang fetus pala ang laman nito.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong sa mga tauhan ng MPD-Police Station 4 na sina PO1 Adriane Duent at PO1 Laurencio Pinaflor si Crayo. Ang mga ito naman ang nag-assist kay Crayon na magtungo sa MPD headquarters upang ireport ang insidente.

Samantala, dinala na sa St. Yvann Funeral Homes ang fetus para sa safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply