Fetus sa plastic jar natagpuan sa basurahan

ISANG fetus ang natagpuang nakasilid sa isang plastic jar habang nangangalakal ang isang basusero Lunes ng hapon, Hulyo 4, sa harap ng Sulpicio Lines sa Tondo, Maynila.

Tinatayang nasa tatlong buwan pa lamang ang fetus na ‘di mabatid na kasarian na natagpuan ni Rosalyn Solivea habang ito ay namumulot na mapapakibangang basura dakong alas-4:45 ng hapon sa harap ng Sulpicio Lines at Yard 7 ng  Phil. Asian Carrier Corp. sa kahabaan ng H. Lopez Boulevard, Barangay 148, Tondo, Maynila.

Inakala umano ni Solivea na magagamit nito ang plastic na garapon na natakpan ng kulay brown na tela ngunit laking gulat nito nang mapansin ang isang fetus sa loob nito at nakatabi sa maputik na bahagi ng kalsada.

Sinabi naman ni Solivea ang inside nte kay Lito Canete, mekaniko ng DCEE Chuan warehouse  sa Northbay  Boulevard na siyang nagreport sa pulisya.

Dinala ang fetus sa St. Yvann Funeral parlor para sa safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply