FG itinanggi ang akusasyon ni Lacson

UMALMA na si dating First Gentleman Atty. Mike Arroyo sa pagtuturo na kanilang pamilya ang pinanggalingan at nagbenta ng second hand helicopters sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Arroyo, wala umano silang ibinenta sa PNP at nilinaw nito na sa isang pribadong kumpanya at hindi sa PNP nila ibinenta ang isang Volco Helicopter.

Una nang ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na dalawa sa tatlong biniling helicopter ng PNP ay mula sa pamilya Arroyo na pinalabas na bago at presyo ng brand new gayong second hand na ang mga ito.

Muling pinatunayan ni Lacson na karapat-dapat talagang kasuhan ng plunder ang mga Arroyo.

Ayon sa unang pahayag ni Senador Panfilo Lacson, na “puwersahang” ibinenta ng mga Arroyo ang second hand class na helicopters sa PNP noong 2009.

Bukod aniya sa “sapilitang” pagbebenta ay malinaw rin na nagkaroon ng dayaan dahil ang presyong ipinataw ng mga Arroyo sa naturang second hand helicopters ay kasing-mahal na ng isang brand new helicopter na nagkakahalaga ng P105 milyon.

Sinabi rin ni Lacson na mayroon siyang hawak na mga dokumento na magpapatunay na ang mga Arroyo nga ang siyang nagmamay-ari sa mga helicopters.

Una na ring iginiit ni Lacson na imbestigahan ang pagbili ng PNP ng mga light police operational helicopters para sa Special Action Force na nagkakahalaga ng P105 milyon. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply