Fighting Maroons tumingkad ang kulay sa UAAP

AT SA wakas, si coach Ricky Dandan pala ang lucky charm ng UP Fighting Maroons nang itala ang unang panalo nila sa loob ng 19 laro nang kulapulan ng buena manong pagkatalo ang University of the East Red Warriors, 69-61, sa UAAP seniors basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ang tagumpay ng Maroons ay kabiguan naman ng National University Bulldogs sa matalas na pangil ng University of Santo Tomas Growling Tigers sa iskor na 73-72. Hindi naihatid nina Bobby Parks Jr. at Emmanuel Mbe ang inaasam na panalo subalit nakatabla sila sa 65-all sa regulation.

Sumandal si coach Pido Jarencio kina Jeric Fortuna at Kevin Ferrer sa opensa sa kanilang 23 at 12 puntos habang si Jeric Teng, anak ng dating PBA power forward na si Alvin na naglaro sa San Miguel Beermen, ang mahigpit na pagposas kay Parks Jr. bukod sa 9 puntos na contribution nya.

Huling nakatikim ng panalo and Fighting Maroons noong Agosto 22, 2009 laban sa De La Salle Green Archers sa iskor na 83-78.

Bukod sa 23 puntos, nakahablot din si Fortuna ng 6 boards, 2 assists at 1 steal habang ang itinanghal na most valuable player of the game na si Ferrer ay nakapagbuslo ng 12 puntos at 11 rebounds.

Sa Big Dome maghaharap ang mga “bigats” na Adamson University Falcons versus Far Eastern University Tamaraws habang ang mortal na magkalaban sa basketball na De La Salle Green Archers at and 4-peat seeking Ateneo Blue Eagles ang magsasagupa sa Sabado ng hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply