‘Final four’ para posisyon ng Ombudsman nasa Malakanyang na

NASA kamay na ng Malakanyang ang “final four” na kandidato  para sa posisyon ng Ombudsman.

Ang final four ay sina Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales; incumbent Justice Undersecretary Leah Armamento; Presidential Commission on Good Government (PCGG) Ccommissioner Gerard Mosquera, at dating  DOJ chief Artemio Tuquero.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Atty.  Abigail Valte, hawak na ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. ang pangalan nina Morales bilang nirekomendang kandidato ng Judicial and Bar Council (JBC).

Subalit, hindi naman siya sigurado kung ang nasabing pangalan ay naisumite na kay Pangulong  Benigno Aquino III.

“We can confirm that the shortlist has been transmitted to the Office of the President. Di ko lang po sigurado kung nakarating na sa Pangulo,”  ayon kay Usec. Valte.

Ang Chief Executive ay may hanggang Agosto 14 para pangalanan ang bagong Ombudsman.

“Under the 1987 Constitution, a sitting president is mandated to appoint the Ombudsman only from the shortlist prepared by the JBC 90 days after the position was vacated,” ang pahayag ni Usec. Valte.

Nagbitiw sa puwesto si dating  Ombudsman Merceditas Gutierrez noong Mayo.

“May oras naman po bago po yung oras na minamandato na deadline at ang importante po ay nasa atin na po yung shortlist,” anito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply