Flashfloods, landslide banta sa Visayas

NAGBABANTA ng flashfloods at landslides sa bahagi ng Silangang bahagi ng Visayas dahil sa sama ng panahon  na potensiyal na maging bagyo.

Ito ang ipinahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa nakitang low-pressure area (LPA) na nakapasok na sa teritoryo ng Pilipinas.

“Sa ngayon may posibilidad na maging bagyo [ang LPA]. Nagsimula ito within the Philippine area of responsibility, siyempre unang-una magiging tropical depression muna ito, and then magiging tropical storm,” sinabi ni Manny Mendoza forecaster ng PAGASA

Sakali aniyang maging ganap na bagyo ang LPA, ito ay may codenamed na “Juaning.”

Batay sa huling forecast ng PAGASA ang LPA ay tinatayang nasa layong 530 km sa east-northeast ng bayan ng  Borongan  sa  Eastern Samar at nakapaloob sa ITCZ na nakakapekto sa Southern Luzon, Visayas and Mindanao.

Magiging maulap naman sa iba pang panig ng bansa na may panaka-nakang pag-ulan lalo na bandang hapon at gabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply