DPWH sa LGUs: Bantayan ang flood structures

HINIKAYAT ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan at mga komunidad sa pagmimintini ng mga inayos na ilog sa kahabaan ng Pasig-Marikina river channel.

Sa pag-inspeksyon ni Public Works Secretary Rogelio Singson sa tabing ilog ng lower at upper Pasig River mula Del Pan Bridge sa Maynila hanggang Napindan Hydraulic Control Structure sa Pasig City, nakita ng kalihim ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga tao at kanilang mga gagampanan sa pagpapalawig ng serbisyo ng mga itinayong mga istraktura laban sa baha.

Sa kasalukuyan, ang mga konstruksyon sa ilalim ng DPWH Pasig-Marikina River Channel Improvement Project Phase 2 ay 14 na porsyentong  lagpas na sa itinakdang iskedyul.

Ayon kay Undersecretary Rafael C. Yabut,  DPWH Project Implementation  Officer ng Official Development Assistance (ODA), ang mga mamamayan ay kailangang tumulong sa pagkontrol sa mga sagabal, pagtatayo ng barung-barong at pagtira ng mga iskwater sa kahabaan ng ilog na pumipigil sa pagdaloy ng tubig.

Kailangan din umanong protektahan ang mga ilog ng mga pinunong lokal sa pamamagitan ng pagpigil sa walang humpay na pagtatapon ng basura na nagresulta ng pagburak ng mga tubig ng Ilog Pasig. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply