Foreign jet pumasok sa bansa

KINUMPIRMA ni Navy Chief, Vice Admiral Alexander Pama na isa na namang foreign jet ang pumasok sa teritoryo ng bansa sa Spratly Islands.

Base sa impormasyon ni Pama, isang fishing vessel na naglalayag sa Dalagang Bukid Shoal na sakop ng Calayan Group of Islands ang pinahagingan ng jet.

Sa paglalarawan ng opisyal, nasa 20 hanggang 30 talampakan lamang ang taas ng lipad ng foreign jet mula sa mast ng fishing vessel na ikinatakot ng mga tripulante nito.

Hindi aniya normal para sa isang jet fighter, na hindi pa malaman kung saang bansa nagmula, na lumipad ng ganoong kababa malapit sa isang sasakyan.

Naganap umano ang insidente pagitan ng Hunyo 2-4.

Una rito, dalawang foreign jet fighter ang naispatan ng nagpapatrulyang eroplano ng air force sa Recto Bank (Reed Bank) na sakop rin ng teritoryo ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply