Freeze order sa yaman ng hinihinalang drug traffickers extended

PINALAWIG pa ng Court of Appeals (CA) ang freeze order laban sa mga kayamanan at ari-arian ng ilang hinihinalang drug traffickers na sangkot sa paggawa ng shabu sa bansa

Mula sa 20 araw, pinalawig ng appellate court nang hanggang anim na buwan ang freeze order upang hindi magala ang mga ari-arian at salapi ng mga suspek na sina Annie Faustino Co (also kwown as Annie F. Co/Ching Ching Co), Dave Go, (a.k.a. Jimmy Ong), Wang Wei Guo (a.k.a. Wang Wei Go/ Jason Santiago Chua/ Michael Chua), Michael Jason Chua/Kalkal, Li You Xin (a.k.a. Alex Sy Li/ Wah Ya/ Francis Lee), Jackson Sy Tan, Margarita Carpio at Robert Asto.

Inatasan din ng court of appeals ang Land Transportation Office (LTO) na sumunod sa naturang freeze order upang hindi maibenta o mailagay sa ibang pangalan ang mga sasakyang nakarehistro sa mga nabanggit na respondent.

Saklay ng kautusan ang mga accounts ng respondents  sa Banco de Oro, Unibank, Allied Bank, China Bank, East West Bank, Metrobank, Union Bank, International Exchange Bank, Security Bank, Commercial Banking Corp., Bank of Commerce at Rizal Banking Corporation.

Sa record noong Aagosto 24, 2010, sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Unit 1B Clarinda Raymond St., BF Resort Village, Las Piñas City kung saan nadiskubre ang bultu-bultong shabu ng mga respondent.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply