Freeze order vs Ampatuan assets pinalawig pa ng CA

PINALAWIG pa ng korte ang inilabas na freeze order ng bank accounts at iba pang ari-arian ng mga Ampatuan matapos ibasura ng Court of Appeals (CA) ang kanilang apela ukol dito.

Una nang pinalawig ng appellate court ang freeze order hanggang Hulyo 25, 2011 habang tinatalakay pa ng korte ang mga nakabinbing mosyon kaugnay sa usapin.

Pero sa 67-pahinang resolusyon, ibinasura ng CA ang mga nasabing apela at pinalawig ang freeze order ng anim na buwan o hanggang Disyembre 2, 2011.

“The effectivity of the Freeze Order is extended up to 02 December 2011 or for a period not exceeding six (6) months, from 06 June 2011, pursuant to Section 53(b) of A.M. No. 05-11-04-SC,” ayon sa resolusyon.

Maalala na noong nakaraang Hunyo 6, napatunayan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ginamit ng mga Ampatuan ang nasabing bank accounts para itago ang umano’y nakulimbat nilang kayamanan na umaabot ng P1 bilyon.

Kabilang sa mga akusado sa kaso ay sina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at anak nito na si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply